Sunday, May 15, 2022

Gusto lang ba talaga kita?

Ang daling maging marupok kapag single.

Makakita lang ng gwapo… crush na.
Pinakitaan ng mabuti… crush na.
Pinahalagahan… crush na.

Pero bakit ako nahulog?

Hindi ka naman naging crush lang.

Kasi nagustuhan na talaga kita.

Unti-unti kitang nakilala, at habang tumatagal, parang ikaw ay ako rin.

Hindi man laging pinipili, pero marunong mag-effort.
At somehow, gumagaan yung loob ko kapag kasama ka.

Siguro kaya gusto na kitang piliin.

Sa bawat walwal, sumasama ako dahil andun ka.
Gumagawa ako ng paraan para makasama ka.

Kahit na feeling ko… tropa lang din tingin mo sakin.

Minsan gusto ko nang umamin sayo —
parang mga babae sa Korean drama na nagbabakasakaling may pag-asa.

Kahit ramdam kong wala naman talaga.

Siguro ramdam mo rin na may gusto ako sayo.
O baka sinabi na rin ng mga tropa natin.

Kasi minsan parang ayaw mo nang makipag-usap.
Minsan ikaw na mismo yung lumalayo.

Andun na lahat ng signs.
Ayoko lang talagang tanggapin.

Masakit lang kasi… umaasa pa rin ako.

Sinubukan naman kitang kalimutan.
Sinubukan kitang iwasan.
Sinubukan kong tanggapin na tropa lang talaga, walang malisya.

Pero bumabalik pa rin talaga.

Ano ba ‘to?
Adik na ba ako sayo?

Isang chat mo lang, napapangiti na ako.
Paano pa kaya yung video call o tawag?

Kahit minsan lang naman nangyari.

Matagal kitang hindi nakita.
Akala ko okay na ako.
Akala ko wala na yung feelings.

Pero dumampi lang kamay mo sakin… kinabahan na agad ako.

Piliting umiwas para hindi halata,
kahit ang totoo gusto ko talagang malapit sayo.

Kung pwede lang sana humanap agad ng pwedeng jowain, ginawa ko na.

Mauna na ako bago ikaw magkaroon ng iba.

Kasi nasasaktan ako kapag may kasama kang iba.
Nagseselos ako kapag mas kinakausap mo sila kahit nandito naman ako.

Ewan ko ba.

Gulong-gulo na rin ako.

Sana madali na lang din makahanap ng iba…

Para madali na rin kitang makalimutan.