Thursday, May 14, 2026

Para sa mga hindi pinipili

Sawang-sawa ka na bang mag-isa?

Yung sobrang lungkot kasi wala kang karamay.
Yung paulit-ulit mong tinatanong kung anong mali sayo at bakit hindi ka naging sapat.

O minsan iniisip mo rin:

“Ano bang meron sa kanya na wala sakin?”
“Bakit hindi pwedeng maging kami?”

Ang hirap no?

Kasi minsan kahit gaano ka kapasalamat na nakilala mo siya at dumating siya sa buhay mo — dahil naging sobrang saya mo, dahil may mga bagay kang unang beses mong ginawa na siya yung kasama — darating pa rin yung point na kapag sobrang sakit na, maiisip mo:

“Sana hindi ko na lang siya nakilala.”
“Sana hindi na lang siya dumating.”

Kahit gaano ka kasaya noon, minsan natatabunan yun ng sakit at galit.

Lalo na kapag masyado mo siyang pinahalagahan.
Kapag nagplano ka hindi lang para sa kanya, kundi para sainyong dalawa.

Naglaan ka ng oras.
Naglaan ka ng panahon.
Kasi umasa kang baka mabigyan ka ng pagkakataon.

At minsan, matatawa ka na lang sa sarili mo.

Dahil naging tanga ka.
Naging desperado ka.

Hindi dahil mahina ka — kundi dahil totoo yung naramdaman mo.

Ginusto mo siyang suportahan.
Ginusto mong manatili siya sa buhay mo.

Kahit ikaw yung unti-unting nauubos.

No comments:

Post a Comment